Masaya sana ako na makitang maraming taong nagbabasa ng mga gawa ko ngunit hindi. Eto tagalugin na natin para mas maintindihan ng nakararami. Nakakagulat na magkaroon ako ng madaming mambabasa kahit na may ilang buwan ko nang hindi nabubuksan ang site na ito. Ayaw ko nang ipaliguy ligoy pa, unang na:
- Ang blog account na ito ay ginawa upang ipahayag ang ekspresyon ng aking buhay at mga karanasan. Hindi nito intensyon ang pagmulan ng chismisan at alitan o anumang ikasisira o ikasasama ng isang tao.
- Ito rin ay aking ginawa upang sa aking sariling pamamaraan ay maipahayag ang kabutihan ng Diyos at kung paano siya kumikilos sa aking buhay.
- Maaaring may mga salita dito na hindi kaaya-aya sa paningin ngunit ako’y nakakasiguro na wala akong taong pinagsabihan ng hindi nararapat o kung anumang kanyang ikinasira.
Nagtataka ako kung bakit palagi akong mayroong apat o limang mambabasa sa araw-araw (nalalaman ko ito) kahit bihira ko nalang ito buksan. At ngayon ay maroon itong dalawampu’t isang pagbisita. Oo, alam kong binabasa mo ito. Hindi ko man kayo kilala ngunit nalaman kong sinusubaybayan nyo din ang king mga gawa (nakakatouch naman po.). Lahat ng ito ay dahil sa nauna kong paksang inilathala tungkol sa aking tatay.
Sana matiyaga ka magbasa dahil magle-lecture ako kung ano ang aking pananaw. Tungkol iyon sa aking kapatid na inutusan akong maglaba. Sige maaari mo ulit itong basahin dito kung iyong naisin. Nakalagay din dito na madaming utos ang aking ama sa akin na kung minsan ay hindi ko nais na gawin. Oo, totoo. Ngunit may tanong ako sa iyo kapatid, kung ikaw ay may asawa o pamilya na, hindi ba’t naranasan mo din noon na maging anak? O kung ikaw ay nasa aking edad, (at alam ko naman na kilala mo ako. Tagasubaybay ka nga ng aking gawa hindi ba? salamat.) hindi ba’t alam mo ang mga bagay na nararanasan natin bilang anak? Madaming habilin at mga gawaing bahay na madalas ay ayaw nating gawin. O marahil ay isa ka sa mga mapapalad na ipinanganak ng may pilak na kutcharita sa iyong bibig upang kumuha ng mga tagapagsilbi. Tunay ka ngang mapalad kung gayon.
Iispin ko nalang na tayu ay may parehas na antas ng pamumuhay. Minsan man ay hindi natin ginugusto ang kanilang mga ipinagagawa. Alam ko na ikaw mismo noon ay minsang nagsabi ng hindi maganda sa iyong magulang ng hindi nila nalalaman. Ito ang katotohanan at huwag tayo magbulag bulagan. Ngunit sa kabila ng mga bagay na iyon kapatid, nagsisisi ka ba na ginawa iyon ng magulang mo sa iyo? O nagpapasalamat ka pa dahil ikaw ngayon ay masipag na indibidwal at hindi nasanay maging tamad? Sabi sa kasulatan:
“Train a child in the way he should go, and when he is old he will not turn from it.” – Proverbs 22:6 Pasensya na at wala akong tagalog na bible.
Hindi man halata ay nagbabasa din naman ako ng bibliya, hindi dahil sa anak ako ng manggagawa ng simbahan, kundi dahil ito ang aking kagustuhan at kailangan. Lumaki ako sa simbahan at alam kong ikaw din kapatid. Alam ko na kung anu man ang ninanais para sa akin ng aking tatay, ay ito ay para sa aking ikabubuti. NORMAL para sa isang bata na tulad ko ang magkaroon ng mga saloobing tulad ng mga nabanggit sa naunang inilathala.
Ngunit gustu muli kita tanungin minamahal kong kapatid kay Kristo. Kung naranasan mo ang mga bagay na iyon, sa kabila ba nito ay nabawasan ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang? Kung ang isang bata ay pinalo ng kanyang ama, hindi ito nangangahulugan nang pagiging masama o malupit ng isang ama. Bagkus ay ito ay pagtutuwid at paraan ng pagdidisiplina dahil sa pagmamahal ng ama..
Masaya ako at hindi nagsisi na ako’y nakatikim ng hagupit nung ako’y bata pa. Gusto ko lang sana sabihin sa iyo, MAHAL KO ANG AKING TATAY. Hindi man halata dahil hindi ako dumating nung father’s day, ngunit wag mo sana doon sukatin ang pagmamahal.
“Ang Diyos ay hindi tumitingin sa mga bagay na nakikita ng tao. Ang tao ay tumitingin sa panglabas na kaanyuan ngunit ang Diyos ay tumitingin sa ating puso.” – 1Samuel 16:7 (ayan tagalog yan, kasi memorize ko yan.)
At siya nga pala kapatid, kung ako’y iyong tatanungin, ang aking ama ay walang katulad. Masasabi ko na higit pa siya kaysa kanino man. Kung paano ang kanyang pagmamalasakit sa ating iglesia at sa kongregasyong nasasakupan, ay isang daang ulit pa sa pagpapahalaga niya sa aming pamilya.
Marahil noong mabasa mo itong aking gawa ay sobra kang nasiyahan na ikaw ay nakagawa ng interpretasyong hindi tugma at naipagkalat mo pa sa ibang mananampalataya. Marahil ay mayroon lamang bumabagabag sa iyo o kung anu man. Kung babasahin mo ang aking ginawa na iyon ng may mabuting puso at pang-unawa ay marahil makikita mo ang pagmamahal na kalakip nito at hindi ang pagkamuhi.
Kung may nasabi man ang ibang tao tungkol sa aking ama na hindi kanais nais, bakit hindi natin tignan ang ating sarili?
“Why do you look at the speck of sawdust in your brother’s eye and pay no attention to the plank in your own eye? How can you say to your brother, Let me take the speck out of your eye, when all the time there is a plank in your own eye? You hypocrite, first take the plank out of your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye.” – Matthew 7:3-5
Alam ko na hindi sinasadya ng sinuman magbitaw ng mga salitang nakakasakit ng ibang tao. Tayo’y mga kristiyano at alam natin ang nararpat sa hindi. Ang pagpapakasakit ng mga mnggagawa ng simbahan ay dapat sinusuklian ng kabutihan at hindi ng mga mapanirang salita na nakakasakit ng kalooban.
Hindi ko intensyon ang mang-away o pakikipagtunggalian dahil hindi ako marunong ng ganung bagay. Lumaki ako at pinalaki ng maayos ng aking magulang. Nirerespeto ko ang inyong opinyon at kung may mga nasaktan man sa aking mga lathala ay ako na ang humihingi ng paumanhin. Marahil ay isipin ng sinuman na ang post na ito ay para sa kanya. Sa totoo lang ay wala talaga akong alam at hindi ko din nais malaman. Hindi ko ugali ang magtanim ng sama ng loob. Hindi ko itinataas ang daliri ko kanino man. Iyan ay inyong opinyon at marahil ay batay sa nakikita ng inyong mata. Nirerespeto ko ito dahil un ang nararapat.
Hindi ko ninais na pagmulan ito ng chismisan bagkus, ay ang kapulutan ng magagandang bagay. Kung ikaw ay bitin pa at talaga namang naguumapaw ang iyong kagalakan sa pag-alam ng buhay ng iba at lalu na sa aming buhay, ako ang kausapin mo. Magiging masaya akong kwentuhan ka ng mga bagay bagay. Eto ng aking numero 09068312778. Eto naman ang email ko, lester.pante@gmail.com. Eto address namin #14 Diamond Street, Millionaires’ Village, Novaliches, Q.C. Text mu muna ako bago ka pumunta para maipaghanda kita ng meryenda.
Binalak ko nang tanggalin ang site na ito ngunit kung may dalawa o isa man na hihiling nito ay malugod ko itong gagawin.
Ilang araw mula ngayon ay inaasahan ko na darating ang maraming pagpuna. Hindi ko man kayo kilala ngunit kilala ko ang aking Diyos. Siya ang gagabay sa akin.
Let God be true, and every man a liar. As it is written: “So that you may be proved right when you speak and prevail when you judge.” - Romans 3:4
keep on coming..